Magnificent Rapture

Lalake Ako

First of all I ask pardon from my english speaking readers. I have writen this around three years ago and I just wanted to add it to my blog. Rest assured that I will formulate a translation of it though I know it is going be tough. I’m not really good with my native language. Can you believe it? My native tongue and I don’t do so well with it! Oh well.For my Tagalog reading friends here you go.

Lalaki ako.

Matipuno at kaakit-akit.

Nasasaktan pero hindi umiiyak.

Nakikipag-away pag tinititigan.

Nabugbog na pero bida pa rin sa kuwentuhan.

Malakas uminom pero hindi nalalasing.

Naglalaway sa suso.

Tinitigasan sa kurbada ng bewang.

 

Ikaw! Babae ka.

Tumititig sa mga lalaki.

Nagpapantasya habang tulala sa aking mga labi.

Di mo alam napapansin ko.

Inilulugay mo ang buhok mo

at sinasadyang ihampas sa mukha ko pagdaaan ko.

 

Lalaki ako.

Nabubugnot sa tagal ng paliligo mo.

Naguguluhan sa dami ng ipinipintura mo sa mukha mo

At nalilito ako sa dami ng pinamimilian mong damit na di mo rin naman isinusuot.

 

Babae ka.

Importante sa’yo na malinis at mabango ka.

Nagme-make up ka para mapansin ng mga lalaking tulad ko ang mga pagbabago sa mukha mo.

Pinapahaba mo ang buhok mo para mas madaling ayusin,

Kahit nagkaka-hadhad ka na sa batok at nauupuan mo na ang mahaba mong buhok.

Nag aahit ka ng kilay para magmistulang manipis ito para maitago ang katotohanang mas mabalahibo ka pa kaysa sakin.

 

Lalake ako.

Kaya kong patigasin lahat ng muscle sa katawan ko.

Matapang ako.

Matapang ang mukha ko.

Hindi mo ako pwedeng tawaging bakla.

Magagalit ako.

Pero kung babae ka magagalit pa rin ako.

At sisiguraduhin kong mararamdaman mo ang lalim ng galit ko.

 

Babae ka.

Umuungol ka pag nasasaktan.

Umuungol ka pag nasasarapan.

Umuungol ka pag nag-iinarte ka.

At umuungol ka pag nagbabata-bataan ka.

 

Oo. Babae ka.

Nagpapantasya,

naglulugay,

matagal maligo,

matagal magbihis,

nagpipintura ng mukha,

nag-aahit ng kilay,

umuungol sa maraming dahilan,

pero naintindihan kita.

 

Lalake ako – noon, nagpapapansin at pinapansin mo.

Babae ka – noon, sinusundan-sundan pa kita ng hindi mo alam.

Lalake ako – noon, pinag-aawayan natin ang mga abubot mo sa katawan

pero…

 

Babae na ako – ngayon,

nagpapantasya,

nag-aayos ng buhok,

matagal maligo,

matagal magbihis,

nagpipintura ng mukha,

nag-aahit ng kilay,

umuungol sa maraming dahilan pero malimit sa sakit.

 

Sa sakit ng dulot ng mga lalaki.

Sa mga lalaking katulad ko… noon.

August 14, 2006 Posted by gentleslayer | Uncategorized | | No Comments Yet